SWKNilagdaan kahapon sa Malacanang Palace ang isang memorandum ng pa-unawaan sa pagitan ng DMMMSU at ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa pagtatatag ng nasabing sentro sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham, DMMMSU-SLUC, Agoo La Union.

Ang KWF ay kinatawan ni punong komisyoner Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan (National Artist for Literature). Ang DMMMSU ay kinatawan naman ni Atty. Benjamin P. Sapitula, kasama sina SLUC Chancellor Beth Panay Cuison, CAS Dean Raquel Difuntorum Quiambao, atbp.

Bilang isang SWK, ang DMMSU-CAS, Agoo ay mangangasiwa ng mga aktibidad, gaya ng kumperensiya, seminar, palihan, gawad timpalak, at katulad para sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino. Magsasagawa din ito ng mga proyekto sa saliksik, pagtitipon, at pagtatanghal ng wika at kultura. Ito ay lalahok at kung maaari'y manguna sa pagsulong ng mga katangiang pangkultura ng lalawigan at rehiyon.

By. Antonio O. Ogbinar