(Mga sagot sa katanungan po ninyo. Kapag wala po dito ang inyong hinahanap na kasagutan, PM ninyo na lamang po kami. Salamat!)

We sincerely hope for your understanding for any inconvenience you are experiencing in the online enrollment. We are currently fixing some issues in the system and are doing our best to have it up and working smoothly the soonest possible time. 

1. Q: Paano po mag-enroll online?
A: Download mo muna ang FREE HIGHER EDUCATION (FHE) APPLICATION FORM at i-fill out po ninyo ito. Madodownload ang form sa link na ito http://dmmmsusluc.com/onlineregistration/sluc

Kapag nagawa na ninyo ang step na ito, pwede na kayo mag-online register dito
http://dmmmsu-sluc.com/onlineregistration/sluc

**********

2. Q: Anu-ano po ang steps sa Online Enrolment?
A: May apat (4) na steps po iyan. Step 1 – Mag-register sa http://dmmmsu-sluc.com/onlineregistration/sluc
at i-fill out ang Health Survey Form.

Step 2 – I-click ang link na ito
http://dmmmsu-sluc.com/viewassessment
para makita ang inyong assessment.

Step 3 – Magbayad ng inyong Account Balance sa LANDBANK (Account Number: 1392-1044-17) at i-upload ang larawan o scanned copy ng inyong deposit slip dito sa link na ito
http://tiny.cc/sluc_proofofpayment

Step 4 – Hintayin sa inyong e-mail ang notipikasyon na kayo ay nakapag-enroll na.

**********

3. Q: Paano po mag-login?
A: Para sa mga Freshmen at Transferees: Mag-login gamit ang inyong Last Name at Control Number (Ang Control Number ay manggagaling sa Department Chairperson ng kolehiyo kung saan kayo nag-apply.)

A: Para sa mga Old Students: Mag-login gamit ang inyong Last Name at New ID Number (Ang bagong ID number ay manggagaling sa inyong Department Chairperson.)

**********

4. Q: Kailan ang enrolment ng Irregular Students at ang mga hindi qualified sa Free Tuition?
A: Ang schedule ng inyong enrolment ay sa August 10-14, 2020. Walk-in po ito. Ibig sabihin, personal po kayong pupunta sa SLUC para mag-enroll.

**********

5. Q: Sinu-sino po ang hindi qualified sa Free Tuition?

A: Ang mga hindi qualified para sa Free Tuition ay mga Second Coursers, Foreign Students, Overstaying Students, DOH Scholars at iba pa. Enrol po kayo sa August 10-14, 2020.

**********

6. Q: Ano po yung “code” sa Sign In window sa online registration?

A: Para sa mga Freshmen at Transferees: Ito po ang Control Number na manggagaling sa department chairperson na nag-process ng admission ninyo.

A: Para sa mga Old Students: Ito po ang bagong ID number na ibibigay ng department chairperson ninyo.

**********

7. Q: Kailangan po ba na handwritten ang FHE form? Paano pag walang malapit na computer shop para makapag-scan at print?

A: Pwede po ang handwritten at printed, basta mababasa po.

**********

8. Q: Ano po ang Account Name sa Landbank?

A: Account Name: DMMMSU-SLUC, Agoo, La Union

**********

9. Q: Paano po malalaman kung may balance pa kaming babayaran?

A: Tignan ninyo po sa View Assessment http://dmmmsu-sluc.com/viewassessment

Kung hindi po ninyo makita, maghintay lamang po ng 72 hours habang inu-upload po ang inyong assessment form.

**********

10. Q: Input mismatch

A: On-going pa ang pag-upload sa database ng inyong student information. Paki-hintay lang po.

**********

11. Q: Code mismatch

A: On-going pa ang pag-upload sa database ng inyong student information. Paki-hintay lang po.

**********

12. Q: Ayaw po ma-submit ng information sa View Assessment link.
A: Paki-hintay po ng 72 hours para ma-upload ang assessment forms.

**********

13. Q: Invalid ID

A: On-going pa po ang pag-uupload sa database ng ibang student information.

**********

14. Q: Invalid ang lumalabas kapag nagve-verify.

A: On-going pa po ang pag-uupload ng inyong student information. Paki-hintay lamang po.

**********

15. Q: Pwede bang gamiting ang personal g-mail account para magsend ng deposit slip?

A: Pwede pong gamiting ang inyong personal e-mail kapag hindi pa naibigay ang inyong official DMMMSU e-mail.

**********

16. Q: Saan makukuha ang e-mail at grades?

A: Ang inyong e-mail ay ibibigay ng inyong department chairperson. Magpo-post po kami ditto sa page kapag maaari na ninyong tignan ang inyong mga grades.

**********

17. Q: Wrong spelling po ang lumalabas na name ko kapag nagve-verify.

A: Maaari po na palitan iyan sa Registrar. I-coordinate lamang po sa inyong department chairperson pagkatapos ng inyong enrolment.

**********

18. Q: Paano po kapag ibang pangalan ang lumalabas sa View Assessment?

A: Subukan ninyo lang po ulit habang inu-update ang system.

**********

19. Q: Pwede po magbayad through G-cash?

A: Pwede po basta tama ang Account Number sa Landbank.

**********

20. Q: Sa View Assessment, Unknown Last Name po ang nag-pop up.

A: Paki-subukan ninyo lamang po ulit habang inu-update ang system.

**********

21. Q: Paano pag hindi po na-accomplish yung FHE pero nakapag online register na?

A: Hindi maiproproseso ang inyong registration.

**********